Saturday, October 07, 2006

PIU Exclusive: An Interview with Jhona Sison

FULL NAME: Jhonalene Gimoro Sison
NICKNAME: Jhona, Jho (sa mga mas close sa akin)
BIRTHDAY: December 09, 1984
ZODIAC: Sagittarius
OCCUPATION: wala hhehehe.. band vocalist
HOBBIES: singing, piano playing, internet surfing, playing warcraft, hanging out w/ friends, sometimes composing songs and writing poems
LIKES: yung mga taong may sense kausap. lalo na sense of humor coz i really like to laugh a lot. hahah. mga masayahing tao.
DISLIKES: hmm.. kabaliktaran nun. yung mga moody. mahirap ma-gets. ayoko sa mga taong ma-drama, OA, pa-cute, maarte, plastic, mayabang, at sinungaling
LOVE IS... (nyek! bat may ganitong tanong pa? hahaha!) uhmm... love is all in fire and yet is ever freezing.

Ever since appearing at the Manila Auditions episode of Philippine Idol, Jhonalene Sison has become a darling among the viewers. Appearing in an anime-inspired green costume (which she admitted buying from a thrift store), Jhona has been baptized by fans as the Anime Girl. Although she did not make it to the Top 40, several viewers believed in her talent as evident in their comments in this site's chatbox.

We at Philippine Idol Updates are so honored to have contacted Jhona for this online interview. Below are some tidbits that we want to know about her.

Paano mo nalaman ang tungkol sa Philippine Idol?
Sinabi sa akin ng friend ko

Dumaan ka ba muna sa Fast-Track Audition o dumiretso ka na sa PICC?
Dumiretso na po ako sa PICC

Ano ang feeling habang naghihintay ka sa PICC?
Mainit... hehhe. nagkukulitan lang kami nung isang friend ko at nung pinsan ko.

Hindi pinakita sa TV ang mga comments nina Francis M, Mamita, at Mr. C noong audition mo. Ano ba ang sinabi nila?
Nung pagpasok ko ng room, naka-smile silang lahat.
Then..
Ako: Hello po..
Mr. C: Hello jhonalene..
Mr. C: Jhonalene, nag-aaral ka pa ba?
Ako: hindi na po, nag-stop po.
Mr. C: nagtatrabaho ka na?
Ako: hindi rin po
Mr. C: hmm.. puro hindi ah
Ms. Pilita: so what do you do?
Ako: wala po, tambay lang po..
Ms. Pilita: you sing with a band?
Ako: opo, pero yung mga kinakanta po namin, mga hindi normal
Mr. C: ah.. sige nga jhonalene, parinig nga kami ng isang kantang hindi normal na sinasabi mo..
*i sang voltes v theme*
Mr. C: jhonalene, gusto ko ang boses mo..
Ms. Pilita: I like her. What do you think, Kiko?
Francis M: uhmm.. kung japanese idol 'to, panalo ka na eh.. Eh kaso philippine idol 'to.
Mr. C: jhonalene, parinig naman ng isang kantang normal..
*i sang "Moonraker" by Shirley Bassey*

Naging kilala ka bilang Anime Girl. Saan nagsimula ang iyong interes sa anime music?
I think since 1992 yata. 8 yrs old ako. basta yung kapanahunan nung "Cedie: ang munting prinsipe" Hehehehe!

Nalaman ko na bahagi ka ng "ongaku society." Ano ang ibig sabihin nito?
Ongaku means music in japanese. So it literally means, music society.
Ang Ongaku Society ay isang samahang binubuo ng mga banda at mga indibidwal na japanese music enthusiasts.

Ano ang pangalan ng iyong banda? Paano kayo nabuo?
Ipinakilala ako ng boyfriend ko kay dawn (leader ng New Fallen Snow). Ang New Fallen Snow ang una kong banda. Pero tinanggal nila ako sa band nitong January. Kaya lumipat ako dun sa banda ng friend namin ng borfriend ko. Yun ang Himitsu Heiki.

Pero sa ngayon, dala-dalawa ang banda ko kasi nakipagbalikan sakin yung una kong banda.

Ano ang first impression mo nang makita mo na ang mga katunggali mo noong Theater Eliminations?
May mga mahuhusay, mayroon din namang mga hindi ganon kahusay..
Normal lang..

Sinu-sino ang mga naging kaibigan mo doon?
Yung mga roommates ko. Sina Lilfer Charme at Pavi Elle. Medyo nakasundo ko rin si Erika Jill kaso di nagtagal kasi natanggal na ako.

Naintriga kami sa kinanta mo noong unang round ng theater eliminations. Ano'ng kanta 'yun?
Actually, di ko rin po alam ang title nung kantang yun. Ang alam ko lang ay indonesian song yun at ang kumanta ay si Rita Effendy. Narinig ko lang yun sa Asia Song Festival 2000 kasi yun ang nakakuha ng grand priza. and i really love that song. sana may makatulong sa akin na hanapin yung song na yun. hehehehe...

May nagsabing kasalanan daw ni Erika Jill dahil nagkamali raw siya ng tiyempo sa group performance niyo kaya ka hindi nakapasa. Ano sa palagay mo?
Nyaix! Di naman siguro.. di ko rin napansin yung pagkakamali ni erika dun kung sakali mang nagkamali sya. lumilipad kasi ang utak ko nun saka naka-concentrate ako sa dance steps kasi yun ang weakness ko. i really can't dance. yun din siguro ang dahilan kung bakit ako natanggal.

Pagkatapos ng iyong pagsali sa Philippine Idol, mas marami ba ang nakakapansin sa iyo at sa iyong banda?
Hindi rin.. kasi hindi naman nababanggit yung pagsali ko tuwing may gigs kami. sa ongaku society lang kumalat yun. ehehe.. pero may isa kaming gig na nakuha kami dahil kilala akong sumali sa Philippine Idol nung isang organizer. other than that, wala na..

Ano ang idinulot ng Philippine Idol sa career mo bilang singer?
Mas na-appreciate ko yung pagiging unique ko. Tsaka, sobrang honored ako na nakahanay ko yung ibang professional singers na talaga samantalang sobrang wala akong ka-expe-experience sa ganun. kaya parang na-astigan ako sa sarili ko nun. hahahah!

Saan at kailan ang mga upcoming gigs ng iyong banda?
For info, just go to www.ongaku-society.org